Handa si House Speaker Martin Romualdez na ipakita sa publiko kung saan napunta ang bawat sentimong inilaan para sa Ayuda Para sa Kapos and Kita Program (AKAP) na pinondohan sa ilalim ng 2024 national budget.
Ito ay sa gitna ng mga pambabatikos sa P26-bilyong panukalang badyet para sa AKAP sa susunod na taon.
Binigyang-diin ni Romualdez na ang ayuda para sa mahihirap ay hindi isang ‘charity’ kundi nagsisilbing hustiya para sa mga Pilipino.
Aniya, responsibilidad ng pamahalaan na tiyaking may malalapitan ang bawat isa lalo na sa panahon ng krisis.
“This is what governance means — not merely passing laws but ensuring that these laws translate into hope and dignity for every Filipino family. Sa mga kontra sa ayuda, handang ipakita ng administrasyong ito kung saan napunta ang bawat sentimong inilaan para rito,” saad ni Romualdez.
Nilinaw din ng mambabatas na Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Health (DOH) ang nagpapatakbo sa mga programa at hindi ang Kongreso.
“These agencies are the ones running the program, not Congress. Lahat ng programang ito: may totoong benepisyaryo. May totoong resibo,” ani Speaker.
Mag-iisyu aniya ang Commission on Audit (COA) ng notice of disallowance sakaling ang mga paggasta ay ‘either irregular, unnecessary, excessive, extravagant, or unconscionable’.
“We refused to be defeated by false accusations and malicious maneuvers driven by self-interest, selfishness, and greed. It is not easy to be in public service, but it is moments like these —when the results of our labor manifest in the improved lives of our people — that make it all worthwhile,” mensahe ni Romualdez.
Pinabulaanan din ni House Speaker ang ilang mga patutsada na Kongreso umano ang nakikinabang sa mga programang pinaglalagakan nila ng pondo.
Ayon sa kanya, nananatiling malinis at epektibo ang paglalagay ng budget ng Kamara para sa mga totoong programa sa ilalim ng iba’t ibang kagawaran para makarating ang tulong sa taumbayan. – AL