IBCTV13
www.ibctv13.com

Babaeng piloto, patay sa helicopter crash sa Nueva Ecija

Ivy Padilla
261
Views

[post_view_count]

Rescue personnel at the crash site in Purok Arimug-mong in Barangay San Miguel, Guimba, Nueva Ecija on Saturday February 1. (Photo by Guimba Police)

Nasawi ang 25-taong gulang na babaeng piloto matapos bumagsak ang minamanehong helicopter na may body number na RP-C3424 sa Purok Arimug-mong sa Barangay San Miguel, Guimba, Nueva Ecija bandang alas-5 ng hapon nitong Sabado, Pebrero 1.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesperson Eric Apolonio, umalis ang helicopter sa Manila bandang 10:22 a.m. patungong Baguio para maghatid ng pasahero nitong Sabado.

Bandang 11:51 ng umaga nang makaalis sa Baguio ang sasakyan kung saan lumapag ito sa Binalonan bandang 12:05 p.m. para magkarga ng gasolina.

Batay sa ulat, napansin na ng mga opisyal sa Binalonan Airport na hirap nang mag-restart ang makina ng helicopter bago lumipad muli bandang 4:30 p.m.

“Authorities later confirmed with the Guimba Police Station that the crash site was located in Purok Arimungmong, Barangay San Miguel,” saad ni Apolonio.

Nagsagawa na ang CAAP ng technical investigation para malaman ang sanhi ng pagbagsak ng nasabing helicopter.

Nakatakda namang iuwi ang labi ng biktima sa Heritage Park sa Taguig City ngayong Linggo ng gabi, Pebrero 2.

Related Articles

National

Ivy Padilla

104
Views

National

Ivy Padilla

87
Views