Maglulunsad ng bagong series ng polymer banknotes ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa unang quarter ng 2025.
Kasunod ito ng matagumpay na pagkilala sa P1,000 polymer bill noong 2022 na tinagurian bilang ‘Banknote of the Year.”
Ayon sa BSP, tatawagin bilang First Philippine Polymer (FPP) Banknote Series ang panibagong disenyo ng pera ng Pilipinas at itatampok dito ang mga natatanging yaman ng kalikasan ng bansa, bilang bahagi din ng pagsusulong sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
“Featuring different symbols of national pride in our banknotes and coins reflects numismatic dynamism and artistry and promotes appreciation of the Filipino identity,” pahayag ng BSP.
Inaasahan namang ilalabas ang disenyo ng bagong polymer banknotes sa susunod na linggo.
Samantala, tiniyak ng BSP na maaari pa rin magamit ang paper banknotes mula P20 hanggang P1,000 denomination.
“Paper banknotes shall remain legal tender,” dagdag ng ahensya. – VC