IBCTV13
www.ibctv13.com

Bagong series ng polymer banknotes, inilunsad na ng BSP

Ivy Padilla
437
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led the historic unveiling of the first Philippine polymer banknote series on Thursday, December 19. (Photo by PCO)

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang makasaysayang paglulunsad ng kauna-unahang polymer banknote series ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Malacañang nitong Huwebes, Disyembre 19.

“Today, I stand before you with pride as we unveil the first Philippine polymer banknote series— a groundbreaking step that embodies the strength, ingenuity, and forward momentum of our nation,” mensahe ng Pangulo.

Kabilang sa mga bagong pera na isinapubliko ay nagkakahalaga ng P500, P100, at P50 bukod pa sa P1,000 bill na nauna nang nailunsad noong Abril 2022.

Bangko Sentral ng Pilipinas’ first and newest polymer banknote series ranging from P50.00 to P1,000.00.

Makikita sa bagong 500 peso note ang Visayan deer na sumisimbolo sa ‘clarity and sharpness’ habang nakalagay sa 100 peso note ang Palawan peacock-pheasant na nagpapakita sa katatagan ng mga Pilipino sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Samantala, makikita naman sa 50 peso note ang Visayan leopard cat na simbolo ng ‘independence and agility’.

Ang paglulunsad aniya ng polymer banknote series ay sumasalamin sa patuloy na pag-unlad ng isang Bagong Pilipinas.

“The introduction of the first Philippine polymer banknote series reflects the progress we are making as a Bagong Pilipinas—practical, innovative, and deeply meaningful,” ani Pangulong Marcos Jr.

Binigyang-diin din ng punong ehekutibo na kabilang ang Pilipinas sa higit 40 mga bansa na gumamit na rin ng polymer banknotes kung saan nakatitiyak na mananatiling ‘secure, durable, and sustainable’ ang pera ng bansa.

Aniya, idinisenyo ang polymer banknotes para magamit ng hanggang pito at kalahating taon, higit na mas matagal kung ikukumpara sa mga kasalukuyang paper bills.

“And that means we no longer need to replace them as often, saving money, cutting down on waste, and making a meaningful contribution to protecting the environment,” pagbibigay-diin nito.

Bukod dito, binanggit din ng lider ang benepisyo ng paggamit ng polymer banknote sa kalusugan ng tao matapos lumabas sa pagsusuri ng Department of Health (DOH) na mas malinis ito kaysa paper bills.

Inaasahan namang mag-uumpisa nang mag-circulate ang bagong serye ng polymer banknote sa unang kwarter ng 2025. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

76
Views

National

116
Views

National

117
Views