IBCTV13
www.ibctv13.com

Bagyo, posibleng mabuo sa loob ng PAR sa pagitan ng Dec. 16-22 – PAGASA

Ivy Padilla
449
Views

[post_view_count]

A rainy evening along Commonwealth Avenue in Quezon City. (Photo by Divine Paguntalan, IBC News)

Isang tropical cyclone ang posibleng mabuo malapit sa southern part ng Tropical Cyclone Advisory Domain (TCAD) sa pagitan ng Disyembre 16 hanggang 22, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Inaasahang tatahakin ng bagyo ang direksyon papuntang Southern Luzon at Visayas.

Sa kasalukuyan ay mababa hanggang sa katamtaman lamang ang tsansa na mabuo ito bilang isang bagyo.

Sakaling matuloy, ito na ang ika-17 na bagyo na tatama sa bansa at tatawagin bilang bagyong Querbin.

As of 4:00 a.m. ngayong Miyerkules, Disyembre 11, walang binabantayang sama ng panahon ang weather bureau sa loob at labas ng PAGASA Monitoring Domain (PMD) kung saan tanging ang tatlong weather systems pa rin ang patuloy na umiiral sa bansa.

Kabilang na rito ang Northeast Monsoon o Amihan na magdadala ng malamig na panahon na may kasamang pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Region at iba pang bahagi ng Cordillera Administrative Region.

Nakakaapekto rin ang Shearline sa Metro Manila, CALABARZON, Nueva Ecija, Bulacan, Aurora, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes kung saan asahan ang maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan.

Samantala, umiiral pa rin ang Easterlies sa Eastern Samar, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur at iba pang bahagi ng bansa kung saan hindi inaalis ang posibilidad ng pag-ulan.

Hinihikayat naman ng PAGASA ang publiko na maging handa sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon. – AL

Related Articles