Tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Enteng at patuloy na kumikilos patungong kanluran hilagang-kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte, batay sa 4:00 a.m. forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Taglay nito ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 100 km/h at pagbugso na 125 km/h.
Bagaman nakalabas na ng PAR ang bagyo, patuloy nitong palalakasin ang Habagat kung kaya asahan pa rin ang malalakas na ulan at pabugso-bugsong hangin sa Luzon sa susunod na tatlong araw.
Kaugnay nito, patuloy namang naka-alerto ang mga lokal na pamahalaan sa bansa at disaster risk reduction and management offices (DRRMO) para sa mga mamamayang mangangailangan ng tulong sa kanilang komunidad. – VC