Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na pinangalanan bilang bagyong Helen bandang 6:30 p.m. nitong Martes, Setyembre 17.
Batay sa pinakahuling datos ng PAGASA, as of 5:00 a.m. ngayong Miyerkules, Setyembre 18, huling namataan ang tropical storm Helen sa layong 1,150 km mula sa east northeast ng extreme Northern Luzon na kumikilos patungong west northwest sa bilis na 25 km/h.
Taglay nito ang hangin na may lakas na 85 km/h at pagbugsong 105 km/h habang gumagalaw patungong west northwestward ng Philippine Sea.
Inaasahan namang magpapaulan sa bansa ang pinagsama-samang epekto ng tropical storm Helen, bagyong Gener, at ng hanging Habagat sa Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region ngayong araw.
Kaugnay nito, nakalabas na ng PAR ang bagyong Gener na nagpaulan sa bansa nitong mga nakaraang araw.
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas ang bagyong Helen mamayang hapon o gabi. – VC