Lumakas pa bilang isang Severe Tropical Storm ang bagyong Julian, batay sa 5:00 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo, Setyembre 29.
Huli itong namataan sa layong 305 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan taglay ang akas ng hangin malapit sa gitna na 95 km/h at pagbugsong umaabot sa 115 km/h.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwestward sa sa bilis na 10 km/h at nagbabadyang tumama o magkaroon ng ‘close approach’ sa bahagi ng Batanes o Babuyan Islands sa Cagayan.
Dahil sa bagyo, itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 at 1 sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.
TCWS No. 2:
– Northeastern portion of Mainland Cagayan (Santa Ana)
– Eastern portion of Babuyan Islands
TCWS No. 1:
– Batanes
– Rest of Cagayan,
– Rest of Babuyan Islands
– Isabela
– Apayao
– Abra
– Kalinga
– Eastern and central portions of Mountain Province (Natonin, Paracelis, Sadanga, Barlig, Bontoc)
– Eastern portion of Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista, Mayoyao)
– Ilocos Norte
– Northern portion of Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Ildefonso, San Vicente)
– Northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran)
Patuloy na pinag-iingat ang mga apektadong lugar na maging handa sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon upang maiwasan ang sakuna.