Lumakas na bilang isang Tropical Storm (TS) ang bagyong Julian, batay sa 11:00 a.m. weather bulletin na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado, Setyembre 28.
Huling namataan ang bagyo sa layong 465 kilometro silangan ng Aparri sa Cagayan at patuloy ang mabagal nitong pagkilos patungong southeastward.
Bahagya rin lumakas ang taglay nitong hangin malapit sa gitna na 65 km/h at may pagbugso na aabot sa 80 km/h.
Narito ang mga lugar sa Luzon na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Signal No. 1.
Nagpaalala naman ang weather bureau sa publiko sa mga apektadong lugar na manatiling alerto sa mga posibleng pagbabago ng panahon. — VC