Lumakas pa bilang Severe Tropical Storm (STS) si bagyong Nika (Toraji) habang sumasailalim sa ‘rapid intensification’ batay sa 5:00 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo, Nobyembre 10.
Huling namataan ang bagyo sa layong 690 kilometro silangan ng Infanta, Quezon, taglay ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 100 km/h at pagbugsong umaabot sa 125 km/h.
Kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa ilang lugar sa Aurora at Isabela habang nakasailalim naman sa Signal No. 1 ang malaking bahagi ng silangang Luzon.
Inaasahang lalakas pa sa Typhoon category si Nika ngayong araw.
Hindi rin inaalis ang posibilidad na mag-landfall o tumama ito sa kalupaan ng Isabela o Aurora sa Lunes ng hapon, Nobyembre 11
Hinihikayat ang publiko na maging handa at alerto sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon.