IBCTV13
www.ibctv13.com

Baluarte Zoo, iniimbestigahan na ang umano’y pang-aabuso sa white lion na si ‘King’

Ivy Padilla
392
Views

[post_view_count]

A white lion on display for tourists in Baluarte Zoo went viral for alleged mistreatment and tranquilization.
Lubos na ikinalungkot ng Baluarte Zoo sa Vigan, Ilocos Sur ang viral video online ng kanilang alagang white lion na si ‘King’ kung saan makikitang hinihila ng isang caretaker ang buntot at sinisipa ang binti nito para lang makapagpa-picture ang mga turista.
Sa isang Facebook post, nilinaw ng zoo na hindi nila kinukunsinte ang ganitong klase ng pang-aabuso sa mga alagang hayop at nangakong pananagutin ang sinumang responsable sa insidente.
“Forcing King to move in a manner that is uncomfortable or distressing is not only against our ethical standards but also counter to the understanding of his natural behavior,” bahagi ng post ng zoo.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pamunuan sa nangyari kay King at tiniyak na hindi na mauulit ang parehong insidente sa kanilang iba pang alagang hayop.
Nagpaabot din ng paumanhin ang Baluarte sa alalahanin na idinulot nito sa publiko.
“We sincerely apologize for this incident and the distress it has caused. Please know that we are committed to making the necessary changes to ensure that our zoo remains a place where animals are treated with the utmost care and respect,” saad ng pamunuan ng zoo.
Matatandaang lubos na ikinabahala ng mga netizen ang viral video ni King na mapapansing tila pagod, groggy, at hindi komportable habang naka-display para sa mga turista.
Hinala ng mga netizen, mukhang tranquilized ang hayop dahil daw sa kanyang lagay na tila wala sa sarili.
Ayon sa Animal Kingdom Foundation, isa sa mga nabahala sa video, patuloy ang kanilang kampanya laban sa wildlife selfies at photo ops upang itaas ang kamalayan ng tao partikular na sa pagmamaltrato, drugging issues, safety concerns, at ethical considerations sa mga hayop.
Bilang tugon, tiniyak ng pamunuan ng zoo na hindi nila pagsasawalang bahala ang mga natanggap na alalahanin patungkol sa pagkuha ng larawan kasama ang hayop. 
“We are continuously evaluating how these activities can be conducted in the most ethical manner possible,” saad ng zoo. –VC

Related Articles

IBC Life

Matthew Pirante-Pérez

378
Views

IBC Life

Matthew Pirante-Pérez

340
Views