IBCTV13
www.ibctv13.com

Bayad sa e-games, ibinaba para hikayatin ang illegal gaming operators na magparehistro – PAGCOR

Divine Paguntalan
122
Views

[post_view_count]

Binawasan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang bayad na ipinapataw sa electronic games (e-games) na layong labanan ang paglaganap ng iligal na online gaming sa bansa.

Mula sa 35% noong nakaraang taon ay ibinaba na ang ipinapataw nitong fee sa 30%.

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco, sa ganitong paraan ay maaaring mahikayat ang mga hindi rehistradong online gaming operators na gawing ligal ang kanilang operasyon.

“By lowering our share rates, PAGCOR is creating a more favorable regulatory environment by encouraging unregistered online gaming operators to transition to the legal market,” paliwanag ni Tengco.

Samantala, ibinaba rin ang bayad sa e-games na pinatatakbo ng mga integrated resort kung saan nasa 25% na lamang ito bilang konsiderasyon sa kanilang mas mataas na gastusin sa pasilidad.

Ibinahagi ng PAGCOR na ang bawat hakbang na kanilang ginagawa ay bahagi ng hakbangin nito na gawing mas transparent at maayos ang gaming industry sa bansa kasabay ng pagsisiguro na nakakamit ng pamahalaan ang tamang kita. – AL

Related Articles