IBCTV13
www.ibctv13.com

Bayarin ng mga pasyente sa gov’t hospital sa araw ng Sept. 13, sagot ni PBBM!

Ivy Padilla
274
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. received 67 roses from students during the launching of Agri-Puhunan at Pantawid Program in Guimba, Nueva Ecija today, September 13. (Photo by Presidential Communications Office)

Bilang selebrasyon sa kanyang ika-67 kaarawan, sinagot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bayarin ng mga pasyente sa lahat ng Level 3 hospital sa bansa ngayong Biyernes, Setyembre 13, sa ilalim ng “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat” program.

Masayang ibinalita ng punong ehekutibo sa paglulunsad ng Agri-Puhunan at Pantawid Program sa Guimba, Nueva Ecija na babayaran niya ang medical bills ng mga pasyenteng naka-confine at sumasailalim sa anumang treatment sa mga pampublikong ospital para sa araw ng Setyembre 13.

Kabilang na ang chemotherapy, dental services, dialysis, implants, laboratory and diagnostic procedures at therapy and rehabilitative services.

“Kaya po sa araw na ito, sasagutin po natin ang lahat ng bayarin ng mga pasyente sa lahat ng pampublikong Level 3 hospital sa bansa katulad ng Dr. Paulino Garcia Memorial Hospital dito sa inyo,” magandang balita ng Pangulo.

Aabot sa P328-bilyong halaga ang nakatakdang ilabas ng Department of Health (DOH) alinsunod sa direktiba ng Pangulo para sa mga sumusunod na 22 tertiary hospitals sa iba’t ibang sulok ng bansa:

NCR

– East Avenue Medical Center
– Jose R. Reyes Memorial Medical Center
– Lung Center of the Philippines
– National Kidney and Transplant Institute
– Philippine Children’s Medical Center
– Philippine General Hospital
– Philippine Heart Center
– Philippine Orthopedic Center

LUZON

– Batanes General Hospital
– Batangas Medical Center
– Bicol Medical Center
– Cagayan Valley Medical Center
– Dr. Paulino J. Garcia Memorial Medical Center
– Ilocos Training and Regional Medical Center

VISAYAS

– Eastern Visayas Regional Medical Center
– Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital
– Vicente Sotto Memorial Medical Center

MINDANAO

– Amai Pakpak Medical Center
– Cotabato Regional Medical Center
– Davao Regional Medical Center
– Mayor Hilarion Ramiro Sr. Medical Center
– Zamboanga City Medical Center

Ang inisyatibong ito ay isa sa mga pangako ng administrasyon na ilapit ang serbisyong medikal para sa lahat ng Pilipino.
-VC

Related Articles