Tuluyan nang itinaas sa Typhoon category ang bagyong Leon matapos lumakas ang taglay nitong hangin malapit sa gitna hanggang 130 km/h, batay sa 10:00 a.m. outlook ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Nananatili ang paggalaw ng bagyo sa direksyon na West Northwestward sa bilis na 10 km/h at huli itong namataan sa layong 590 km silangan ng Tuguegarao City.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na manatiling nakaalerto sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon.
Samantala, naka-antabay na rin ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gayundin ang local government units (LGUs) sakaling mangailangan ng pagresponde sa mga komunidad na posibleng daanan o maapektuhan ng pag-ulan bunsod ng Typhoon Leon. – VC