IBCTV13
www.ibctv13.com

Ben Tulfo, tatakbo sa pagka-senador bilang independent candidate

Ivy Padilla
478
Views

[post_view_count]

Radio and TV Broadcaster Ben Tulfo (Photo by Ben Tulfo/Facebook)

Inanunsyo ng TV at radio broadcaster na si Ben Tulfo ang kanyang pagtakbo sa pagka-senador sa paparating na 2025 Midterm Elections bilang independent candidate.

Kinumpirma ng ‘Bitag’ host ang kanyang pagtakbo nang gawaran ng ‘Honorable Son of Marawi’ sa Marawi City nitong Huwebes, Setyembre 26.

Ayon kay Tulfo, ang desisyong tumakbo sa senatorial race ay dahil sa ‘public demand’, pati na rin sa pangunguna nito sa mga nagdaang senatorial survey.

Matatandaang pumangalawa ang brodkaster sa 2025 senatorial survey ng OCTA Research na isinagawa mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2 matapos makakuha ng 57%.

Sinundan niya ang nangunguna sa pwesto at kapatid na si ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na nakakuha ng 60%.

Makakasabay niya ang kapatid na si Rep. Tulfo sa senatorial race sa 2025 kasunod ng pag-endorso dito ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

86
Views

National

Ivy Padilla

84
Views