IBCTV13
www.ibctv13.com

Benepisyo para sa mga miyembro ng PhilHealth, hindi matitigil sa 2025 – PBBM

Divine Paguntalan
254
Views

[post_view_count]

(Photo from PNA)

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay-serbisyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga miyembro nito.

Sa kabila ito ng zero subsidy ng ahensya para sa 2025 national budget na pinangambahan ng mga Pilipino.

“Sisiguruhin natin na tuloy-tuloy at mas lalawig pa ang mga benepisyo ng lahat ng Pilipino sa ilalim ng PhilHealth,” pagtitiyak ni Pangulong Marcos Jr.

Binigyang-diin din ng Pangulo sa kanyang talumpati matapos lagdaan ang General Appropriations Act (GAA) ngayong araw, Disyembre 30 na kabilang ang health sector sa prayoridad ng administrasyon sa susunod na taon.

Sinuportahan din ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pahayag ng Pangulo na may mga plano at hakbangin ang pamahalaan upang maipagkaloob ang mga kinakailangan na serbisyo ng mga miyembro ng PhilHealth.

“Sinabi ng ating Pangulo kanina na walang mababawas na benepisyo kundi magdagdagan pa. At, pinaliwanag ni Secretary Ralph Recto ngayon, na ang PhilHealth ay maraming resources na maaari niyang gamitin sa pagpapalago ng benepisyo para sa mga kababayan natin,” saad ni Bersamin.

Umabot sa P6.326-trilyon ang kabuuang halaga ng 2025 National Budget nanilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. kasunod ng pagbusisi nito kasama ang mga economic leader ng bansa. – AL

Related Articles