IBCTV13
www.ibctv13.com

BI, mas palalakasin ang pakikipagtulungan sa DOJ, NBI vs. Guo case

Ivy Padilla
241
Views

[post_view_count]

BI Commissioner Norman Tansingco, together with other officials, awaited the arrival of Sheila Guo and Cassandra Ong in NAIA Terminal 1 on August 22. (Photo by Bureau of Immigration)

Nangako si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na mas palalakasin pa ng ahensya ang kanilang pakikipagtulungan sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kaso ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo.

Kasunod ito ng matagumpay na pagpapabalik kina Sheila Guo at Cassandra Li Ong sa Pilipinas matapos mahuli ng Indonesian authorities habang papalabas ng naturang bansa noong Agosto 22.

Malaki ang naging pasasalamat ni Tansingco sa Indonesian Directorate General of Immigration na tumulong para mapabilis ang pagpapabalik sa dalawang indibidwal sa bansa.

Ayon sa BI commissioner, nahaharap sa isang deportation case si Sheila dahil sa posibleng ‘misrepresentation’ bilang Filipino national matapos madiskubre ang isang Chinese passport sa ilalim ng pangalang Zhang Mier at may validity na hanggang 2031.

Maaantala naman ang posibleng pagpapa-deport kay Sheila dahil kailangan pa nitong harapin ang mga reklamo at kasong isinampa laban sa kanya sa bansa.

Sa kabilang banda, kasong kriminal naman ang posibleng kaharapin ng Pilipinang si Ong na iniuugnay sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Porac, Pampanga.

Mananatili sa kustodiya ng NBI ang dalawang indibidwal hanggang sa susunod na pagdinig ng Senado at Kamara.

Related Articles