Pinaghahanap na ng Bureau of Immigration (BI) ang may kabuuang 11,254 foreign nationals na sangkot sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) operations at hindi pa rin umaalis ng Pilipinas.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, nakatakdang ipa-deport ang mga nasabing POGO workers na napag-alamang hindi pa rin nag-downgrade ng kanilang visa at umaalis ng bansa sa kabila ng itinakdang deadline ng ahensya.
Sa ngayon ay ipinag-utos na ni Commissioner Viado sa kanilang intelligence division ang pinaigting na paghahanap sa mga ito na itinuturing nang mga ‘illegal aliens’.
“I have ordered our intelligence division to initiate the search for those at large. They are considered illegal aliens now. Expect an intensified manhunt against these illegal aliens. The order of the President is clear. No more POGO in the Philippines,” pagbibigay-diin ni Viado.
Sa tala ng ahensya, 24,779 POGO workers ang nag-downgrade ng kanilang visa habang may kabuuang 22,609 indibidwal ang umalis na ng bansa bago ang itinakdang deadline noong Disyembre 31.