IBCTV13
www.ibctv13.com

Bicol Region, muling pinaghahanda mula sa Typhoon Leon

Alyssa Luciano
707
Views

[post_view_count]

Rescue operations of the Philippine Coast Guard (PCG) in Lisbon, Albay during the onslaught of Severe Tropical Storm Kristine (Photo by PCG)

Bagama’t hindi pa nakakaahon mula sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine, muling pinaghahanda ng Office of Civil Defense (OCD) ang Region V o Bicol Region para sa nagbabadyang pag-ulan dala ng Typhoon Leon.

Pinaghahanda rin ang Region III at IV-A (CALABARZON) para sa posibleng maging epekto ng bagyo.

“Dapat maghanda ang mga nasa Regions III, IV, at V para sa pagdating ng Bagyong Leon,” saad ni OCD Administrator at Undersecretary Ariel F. Nepomuceno.

Ayon kay Nepomuceno, dapat pang palakasin ng mga lokal na pamahalaan ang mga information campaign ukol sa mga hazard at risk na kaugnay ng mga weather disturbances tulad ng bagyo.

Matatandaan nitong Lunes, Oktubre 28 ay ipinag-utos na ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto C. Teodoro ang mandatory evacuation sa mga lugar na tinukoy bilang ‘high-risk’ dahil sa inaasahang epekto ng bagyong Leon.

Samantala, patuloy naman din ang pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad na sinalanta ng nagdaang bagyong Kristine pati na ang pagsasaayos ng mga nasirang daanan at mga tulay, alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Tinatayang aabot sa P1.3 billion ang halaga ng mga nasirang daanan at tulay mula sa pananalasa ng nakaraang bagyo habang P10 million naman ang halaga ng pinsala nito sa sektor ng agrikultura. – VC

Related Articles