IBCTV13
www.ibctv13.com

Bilang ng mga Pinoy na itinuturing ang sarili bilang mahirap, bumaba – OCTA

Ivy Padilla
104
Views

[post_view_count]

Photo by PNA

Bumaba sa 42% ang self-rated poverty sa Pilipinas o bilang ng mga Pilipinong itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap para sa buwan ng Abril ngayong taon, batay sa resulta ng pinakahuling survey ng OCTA Research. 

Ito ay higit na mababa kumpara sa 50% o 13.2 milyong pamilyang Pilipino na nakita ang sarili bilang mahirap noong Nobyembre 2024.

Ang nabawas na porsyento ay katumbas ng 2.1 milyong pamilyang Pilipino na nagsasabing nakaangat na sila mula sa kahirapan.

Kasabay nito, bumaba rin ang food poverty na naitala sa 35% mula 49% noong nakaraang kwarter. 

Ibig-sabihin, humigit-kumulang 3.7 milyong pamilya ang nagsasabing hindi na sila ‘food poor.’

Iniugnay ng Malacañang ang magandang balita sa patuloy na hakbangin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na iahon sa kahirapan ang maraming Pilipino. 

“Isa po itong patunay na patuloy ang pagsisikap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng kanyang administrasyon na tugunan ang problema sa kahirapan at kagutuman,” saad ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Naitala sa Mindanao ang 61% o pinakamataas na bilang ng mga pamilyang Pilipino na nagsasabing mahirap sila, na sinundan ng Visayas na may 60%. 

Isinagawa ang nasabing pag-aaral mula Abril 10-16 saklaw ang kabuuang 1,200 respondente. – VC