IBCTV13
www.ibctv13.com

BIR, nagsampa ng reklamo sa DOJ vs. 2 kumpanya na sangkot sa ghost flood-control projects sa Bulacan

Janella Castillo
63
Views

[post_view_count]

BIR Commissioner Charlito Mendoza filed criminal complaints in the DOJ against 2 contractors involved in flood control anomalies in Bulacan today, Nov. 27. (Photo by BIR)

Pormal nang nagsampa ng criminal complaints si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Charlito Mendoza sa Department of Justice (DOJ) laban sa IM Construction Corporation at SYMS Construction Trading na kapwa sangkot sa umano’y ghost flood-control projects sa Bulacan.

Ayon sa BIR, lumabag sa National Internal Revenue Code ang dalawang kumpanya kabilang ang Tax Evasion at Willful Failure to Supply Correct and Accurate Information.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng ahensya na nakatanggap ng bayad ang IM Construction Corporation sa pagpapatayo ng flood gate at pumping station sa Barangay Sto. Rosario sa Hagonoy, Bulacan kahit walang aktwal na istruktura nang binista ang site.

Kagaya nito, wala ring naitayong reinforced river wall sa Barangay Piel sa Baliuag, Bulacan na proyekto dapat ng SYMS Construction Trading.

Sa sumatotal, umabot sa P13.8 milyon ang tax deficiencies mula sa umano’y fictitious expenses, underreported income, at hindi makatotohanang VAT declarations.

Nasa 12 kaso na ang naihain ng BIR kaugnay sa maanomalyang flood control pojects na may tinatayang na tax liabilities na higit P8 bilyon. (Mula sa ulat ni Crystal Ramizares, IBC News) – IP

Related Articles