IBCTV13
www.ibctv13.com

BRP Teresa Magbanua, tatlong beses binangga ng CCG habang nasa WPS

JM Pineda
267
Views

[post_view_count]

Chinese Coast Guard rammed the BRP Teresa Magbanua in the vicinity of Escoda Shoal on Saturday, August 31. (Photo by Philippine Coast Guard)

Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na tatlong beses sinadyang banggain ng Chinese Coast Guard (CCG) vessel 5205 ang BRP Teresa Magbanua habang nagpapatrolya sa Escoda Shoal ngayong Sabado, Agosto 31.

Bagama’t nagtamo ng iba’t ibang tama ang naturang barko, maswerteng hindi nasugatan ang mga Pilipinong sakay nito.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela, ito na ang ikalimang beses na nang-harass ang China sa mga tropa ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) ngayong buwan ng Agosto.

Noong Agosto 19, naging target ng flares ng PLA Air Force ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Nasundan pa ang pangha-harass ng China sa aircraft ng BFAR sa Zamora reef noong Agosto 22 at sa Datu Sandar vessel sa Hasa-Hasa o Escoda Shoal noong Agosto 25.

Bago ang insidente ngayong araw, inatake rin ang 4409 at 4411 vessel noong Agosto 27.

Sa ngayon, iniipon lang aniya ng PCG ang mga ebidensya bago ipasa sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa kaukulang aksyon.

Kasabay nito, binigyang-diin ng National Maritime Council (NMC) na mananatili ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal upang ipagpatuloy ang operasyon at pagpapatrolya sa katubigang sakop ng bansa.

Ang Escoda Shoal ay sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas kung saan halos 75 nautical miles o nasa lagpas isang daang kilometro lamang ang layo mula sa Palawan. -DP/IP

Related Articles