IBCTV13
www.ibctv13.com

BSP: Inflation rate sa buwan ng Agosto, maglalaro mula 3.2-4.0%

Ivy Padilla
395
Views

[post_view_count]

Agricultural products for sale at a grocery store in Quezon City (File Photo)

Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maglalaro mula 3.2% hanggang 4.0% ang inflation forecast para sa buwan ng Agosto 2024.

Ayon sa BSP, kabilang ang mataas na singil sa kuryente at presyo ng mga produktong agrikultura bunsod ng hindi magandang lagay ng panahon sa inaasahang contributor ng inflation.

Sa kabilang banda, nakikita namang makatutulong sa pagpapababa ng antas nito ang mababang presyo ng langis, bigas, isda at karne.

“The Monetary Board will continue to take a measured approach in ensuring price stability conducive to balanced and sustainable growth of the economy and employment,” bahagi ng pahayag ng BSP.

Nitong buwan ng Hulyo 2024, naitala ang 4.4% inflation rate sa bansa na mas mabagal kumpara sa 4.7% noong Hulyo 2023.

Pangunahing dahilan nito ang mabagal na paggalaw sa presyo ng food and non-alcoholic beverages (55.5%); sinundan ng housing, water, electricity, at gas (11.3%); at ng restaurants and accommodation services (10.8%). -VC

Related Articles