IBCTV13
www.ibctv13.com

Buffer stock ng NFA, pinakamataas mula 2020; handang bumili ng higit pa

Hecyl Brojan
74
Views

[post_view_count]

IBC file photo

Umabot na sa 7.17 milyong 50-kilogramos na sako ng bigas ang kasalukuyang buffer stock ng National Food Authority (NFA), sapat para pakainin ang bawat Pilipino sa loob ng siyam na araw at ang pinakamataas na naitala mula taong 2020.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, kahit mataas na ang reserba, may pondo pa ang ahensya para bumili ng karagdagang 500,000 metriko tonelada ng palay mula sa mga lokal na magsasaka.

Sa P14.6 bilyong pondo para sa procurement ngayong taon, P2.6 bilyon pa lamang ang nagagamit.

Sa ilalim ng Revised Rice Tariffication Law, inaatasan ang NFA na panatilihin ang 15-araw na buffer stock na galing mismo sa lokal na ani.

Kasalukuyan nang pinapabuti ng NFA ang mga pasilidad nito kabilang ang warehouses at handling facilities para tugunan ang mas mataas na imbak o katumbas ng 555,000 metriko tonelada ng bigas, o 880,000 MT ng palay.

Nang ipatupad ang RTL taong 2019, nagtala ang NFA ng higit 492,000 MT na buffer stocks na halos binubuo ng imported na bigas.

Gayunpaman, hindi na pinahintulutan sa ilalim ng nasabing batas ang NFA na direktang magbenta ng bigas sa publiko, maliban na lamang sa “aging stocks” o milled rice na nakaimbak nang higit dalawang buwan.

As of April 11, nakapag-imbak na ang NFA ng 1.1 milyong sako ng milled rice, pinaghalong bagong giling at aging stock.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layunin ng reserbang ito na matiyak ang tulong sa mga mahihirap na sektor sa ilalim ng food security program ng administrasyong Marcos Jr. – VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

35
Views

National

Divine Paguntalan

169
Views