Aabot sa 7,087 toneladang volcanic sulfur dioxide (SO2) emission o asupre ang inilabas ng bulkan kung saan nakitaan din ito ng pamamaga batay sa 24 oras na pagmamanman ng ahensya.
Ang naturang ‘seismic activity’ ay maaaring magdulot ng ‘eruptive unrest’ sa bulkan.
Nagbabala na ang PAGASA sa posibleng pagtaas ng Alert Level ng Kanlaon mula sa kasalukuyang Alert Level 2.
Sa ngayon, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong permanent danger zone (PDZ) ng bulkan upang maisawan ang anumang panganib.
Sakaling magkaroon ng ashfall events, pinapayuhan ang publiko na magsuot ng facemask o takpan ng basa at malinis na tela ang ilong at bibig. -VC