IBCTV13
www.ibctv13.com

Cancer ni Doc Willie Ong, lumiliit na

Divine Paguntalan
379
Views

[post_view_count]

Doctor Willie Ong shares updates on his Sarcoma cancer battle on October 8, 2024. (Photo by Doc Willie Ong/Facebook)

Masayang ibinalita ni health advocate-cardiologist Doctor Willie Ong na lumiit nang 60% ang kanyang sarcoma cancer sa loob ng anim na linggo.

“After 6 weeks of treatment by my Singapore Oncologist, Dr Ang Peng Tiam, the cancer has shrunk dramatically,” kwento ni Ong sa kanyang Facebook post.

Maging ang doctor ni Ong, itinuturing na himala ang kanyang improvement lalo na at isa ang sarcoma sa pinakamahirap gamutin.

“Inoperable they say. A hopeless and terminal case in the brink of death. Well, apparently not for my case. With the help of my brother and a patient of Dr Ang Peng Tiam, I was whisked to Singapore while in serious condition…It’s really a miracle,” dagdag niya.

Muli namang nagpasalamat si Doc Willie sa lahat ng nagdarasal para bumuti ang kanyang kalagayan pati na sa kanyang doctor at pamilya na walang sawang nakasuporta sa kanya habang sumasailalim sa gamutan.

Ani Ong, simula pa lang ito ng kanyang hakbang upang matupad ang pangarap na maging instrumento para magkaroon ng maayos na healthcare system sa bansa.

“As I have said, curing myself is just HALF of the battle plan. The important step is FIXING the broken healthcare system in our country. With your help, we will improve healthcare in our country,” mensahe ni Ong sa kanyang mga tagasuporta.

Matatandaan nitong Oktubre 3, pormal na isinumite ng kanyang asawang si Dr. Liza Ramoso-Ong ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa pagtakbo bilang Senador sa 2025 Midterm Elections. — VC

Related Articles

Feature

Jerson Robles

173
Views

Feature

Ivy Padilla

684
Views