IBCTV13
www.ibctv13.com

China Coast Guard, binangga ang dalawang barko ng PCG sa Escoda Shoal

Roen Yuen
347
Views

[post_view_count]

(LEFT) BRP Bagacay sustained damage in the auxiliary room on the port side near the port auxiliary engine (RIGHT) BRP Cape Engaño suffered a hole with a diameter of 1.10 meters located on the starboard quarter. (Photo by PCG)

Patungo sanang Patag at Lawak Islands sa West Philippine Sea (WPS) ang Philippine Coast Guard (PCG) vessels na BRP Bagacay (MRRV-4410) at BRP Cape Engaño (MRRV-4411) nang biglang pigilan at banggain ng barko ng Chinese Coast Guard kung saan nagdulot ng pinsala sa dalawang PCG vessels bandang alas-3 ng madaling araw, Agosto 19 ayon sa ahensya.

Habang tinatahak ng BRP Cape Engaño ang 23.01 nautical miles southeast ng Escoda Shoal bandang 3:24 a.m. agresibong nagmaniobra ang CCGV-3104 na nagresulta ng butas sa deck ng barko na may lapad na limang inches.

Sa Escoda Shoal pa rin, dalawang beses naman na binangga ng CCGV 21551 ang BRP Bagacay bandang 3:40 a.m habang naglalayag sa 21.3 nautical miles southeast ng karagatan at nagdulot ng minor structural damage.

Sa kabila ng mga insidenteng ito ay nagpatuloy ang dalawang barko ng PCG sa kanilang misyon at tagumpay na nakapaghatid ng suplay sa mga tauhan na naka-istasyon sa Patag at Lawak Islands.

Patuloy na nananawagan ang National Task Force for the West Philippine Sea na sumunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea at iba pang international laws upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon at matiyak ang kaligtasan ng lahat ng sasakyang pandagat.

Sa isa namang opisyal na pahayag, binigyang-diin ni Senator Tolentino na kailangang suriin ang katapatan ng China sa isinasagawang Bilateral Consultative Mechanism (BCM) kasama ang Pilipinas.

“The ramming incident earlier this morning involving the China Coast Guard and resulting in structural damage to two Philippine Coast Guard vessels within the Philippines’ Exclusive Economic Zone (EEZ), underscores the need to critically assess China’s sincerity and good faith in its participation in the Bilateral Consultative Mechanism (BCM) with the Philippines,” saad ng senador.

Nanawagan din siya sa China na itigil na ang mga iligal na aktibidad sa West Philippine Sea at igalang ang soberanya ng Pilipinas.

“Such acts of aggression are unacceptable and call for an immediate cessation of hostile actions. It is imperative that China respects the Philippines’ sovereign rights and adheres to international maritime law,” dagdag niya. -VC

Related Articles