IBCTV13
www.ibctv13.com

China, nag-donate ng relief supplies sa DSWD para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Michael Peronce
76
Views

[post_view_count]

Repacking operations of relief items donated by the government of People’s Republic of China (PRC) for families affected by the M7.8 quake in Mindanao. (Photo courtesy of DSWD XI – Davao Region)

Nagpasalamat ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa People’s Republic of China (PRC) para sa donasyon na 28 container vans na naglalaman ng modular tents, sleeping kits, at kitchen kits para sa mga biktimang nasalanta ng Magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao noong Hunyo 8.

Ayon kay DSWD Spokesperson at Assistant Secretary Irene Dumlao, makatutulong ang donasyon ng China para sa mga evacuee na hindi pa rin makabalik sa kanilang tahanan.

“Makatutulong ang mga ito lalo na sa mga pamilya na hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi sa kanilang mga tahanan at kasalukuyang nasa evacuation centers at tent cities na itinayo ng DSWD at mga lokal na pamahalaan,” ani Dumlao.

Mula sa nasabing bilang, 16 container vans ang inihatid sa DSWD Field Office (FO) 11 – Davao Region, habang ang natitirang 12 vans ay ipinagkaloob sa FO 12 – SOCCSKSARGEN.

“Bukod sa pagkain, yung mga ganito pong kagamitan ang talagang kailangan ng mga nasa evacuation center ngayon—pangluto, mga unan at kumot na magagamit pagtulog,” ayon kay Dumlao.

Nananatili sa P5.540 bilyon ang halaga ng food stockpile at standby funds ng ahensya batay sa pinakahuling datos kaninang 6 a.m. ngayong Huwebes, Hunyo 25.

May nakahanda namang 4,745,410 family food packs (FFPs) sa mga major hub at warehouses ng DSWD sa buong bansa, kasabay ng pagpapakalat ng Quick Response Teams (QRTs) mula sa iba’t ibang field offices (FOs) para suportahan ang disaster response efforts sa mga nasalantang rehiyon.

“Lahat po talaga ng resources, manpower ay ating i-utilize para matulungan natin ang ating mga kababayan, maibigay ang kanilang pangangailangan at muling makabangon ang mga apektadong komunidad sa Mindanao,” ani Dumlao. – VC