IBCTV13
www.ibctv13.com

Cloud cluster sa labas ng PAR, maaaring maging LPA – PAGASA

Jerson Robles
283
Views

[post_view_count]

Satellite image of cloud cluster outside the Philippine area of responsibility as of 11:50 p.m. of Sunday, December 15. (Photo from PAGASA)

Maaaring mamuo bilang isang isang low-pressure area (LPA) ang cloud cluster na namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa labas ng Philippines Area of Responsibility (PAR) sa Eastern Visayas at Mindanao, sa loob ng susunod na 24 hanggang 48 oras, ayon sa weather bureau.

Ayon kay PAGASA weather specialist Grace Castañeda mayroong posibilidad ng pag-ulan sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao dulot ng shear line at posibleng pamumuo dito ng LPA.

“We are continuously monitoring these cloud clusters amid the possibility that these cloud clusters may have circulation and may develop into an LPA within the next 24 to 48 hours,” saad ni Castañeda.

Shear line din aniya ang patuloy na magdadala ng pag-ulan sa silangang bahagi ng Southern Luzon.

“There is a chance of rains and thunderstorms in the Bicol region and certain parts of Eastern Visayas (because of the shear line). We advise our fellow citizens to be on alert for possible flooding and landslide,” paliwanag pa nito.

Batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA, mararanasan ng Bicol region at Northern Samar ang mga pag-ulan dulot ng shear line, habang ang northeast monsoon naman ang makakaapekto sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Metro Manila, at iba pang bahagi ng Luzon.

“Cooler temperature will be experienced especially at dawn brought by the northeast monsoon,” dagdag ni Castañeda.

Posible namang makaranas ng mga isolated rainshower o thunderstorm ang nalalabing bahagi ng bansa dala naman ng easterlies.

Naglabas na rin ng gale warning ang PAGASA para sa Batanes, Cagayan, kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at kanlurang baybayin ng Pangasinan kung saan inaasahang magkakaroon ng alon na posibleng umabot mula 3.1 hanggang 5 metro. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

53
Views

National

Ivy Padilla

73
Views