IBCTV13
www.ibctv13.com

Coach Allen Castañeda, kinilala ang husay; mga reward, bumuhos

Alyssa Luciano
340
Views

[post_view_count]

ALWAYS GOT YOUR BACK. Coach Allen Castañeda gives Filipino gymnast Carlos Yulo a hug after dominating the Mens’s Vault Finals for the Paris Olympics 2024 bringing the athlete’s second gold medal from the competition. (Courtesy: FIG)ALWAYS GOT YOUR BACK. Coach Allen Castañeda gives Filipino gymnast Carlos Yulo a hug after dominating the Mens’s Vault Finals for the Paris Olympics 2024 bringing the athlete’s second gold medal from the competition. (Courtesy: FIG)

Bukod sa karangalang hatid ng two-time Olympic Gold Medalist na si Carlos Yulo sa bansa, kinikilala rin ng sambayanang Pilipino ang naging papel ng coach nitong si Allen Castañeda para sa matagumpay na laban ng atleta para sa Paris Olympics 2024.

Kaya naman ang Cebuano coach, may matatanggap na P10 million na cash incentive mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) mula sa dalawang gold medal na napanalunan ni Yulo.

Ayon kasi kay PAGCOR Chairperson Alejandro Tengco, 50% na cash incentive ang matatanggap ng mga coach sa bawat makakakuhang gintong medalya ng kanilang mga hawak na atleta mula sa Olympics, kaya naman ang P20 million ni Caloy ay may hatid ding P10 million para kay Castañeda na kapwa mula sa pamahalaan.

Bukod pa rito, isa ring hero’s welcome ang naghihintay para sa kanyang pag-uwi sa Cebu City na siyang hometown ng coach.

At bilang pagkilala rin sa kanyang husay at dedikasyon para sa tagumpay ni Caloy, isang local business ang nag-alok ng libreng franchise na magagamit ni Castañeda bilang dagdag pagkakakitaan.

“Coaches like him embody the spirit of perseverance and excellence, and we are proud to support his continued journey in shaping future champions,” saad ng local business na ito.

Mismong si Caloy na nga rin ang nagsabing isa si Coach Castañeda sa nagdala ng kanyang tagumpay dahil ito ang isa sa mga tumulong sa kanya para sa laban na ito.

“Grateful po talaga na nakamit namin ang gold medal na kasama ko siya and ‘di niya po ako sinukuan,” pasasalamat ng two-time Olympic gold champion.

Matatandaang dalawang gintong medalya ang naiuwi ni Yulo mula sa Paris Olympics 2024 matapos dominahin ang Men’s Floor Exercises Final at Men’s Vault Final. -VC