IBCTV13
www.ibctv13.com

Convenience fees para sa online gov’t transactions sa Landbank, waive na

Kristel Isidro
104
Views

[post_view_count]

Land Bank of the Philippines. (Photo courtesy of LANDBANK)

Inanunsyo ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) ang pag-waive ng convenience fee para sa mga kwalipikadong person-to-government (P2G) transactions gamit ang tatlong QRPh-enabled payment channels.

Simula Hunyo 1 hanggang Disyembre 31, 2026, wala nang fee ang pagbabayad sa LANDBANK Link.BizPortal gamit ang QRPh option, mga QRPh standees sa mga kalahok na tanggapan ng pamahalaan, at mga website ng mga ahensya ng gobyerno kung saan pinipili ang LANDBANK Link.BizPortal via QRPh.

Ayon sa bangko, ang hakbang ay upang gawing mas abot-kaya at mas maginhawa ang mga transaksyon sa pamahalaan, kasabay ng pagpapalawak ng akses ng publiko sa mga serbisyong pinansyal sa gitna ng pandaigdigang hamon alinsunod sa Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kabilang sa sakop ng zero convenience fee ang mga bayarin sa serbisyo at obligasyon sa mga kalahok na ahensya ng pamahalaan, kabilang ang ilang national government agencies (NGAs), government-owned and controlled corporations (GOCCs), local government units (LGUs), water districts, at state universities and colleges (SUCs).

Kasama rin ang pagbabayad para sa police clearance, real property tax, business permits, apostille certificates, at iba pang kaukulang bayarin sa gobyerno.

Nilinaw naman ng LANDBANK na hindi kabilang sa fee waiver ang mga transaksyong isinasagawa sa ibang payment channels bukod sa QRPh, gayundin ang anumang karagdagang singil na ipinapataw ng mga merchant o iba pang service providers.

Kamakailan din ng ibaba ng LANDBANK ang InstaPay transfer fee mula P15 patungong P8. – VC