
Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng courtesy resignations mula sa lahat ng miyembro ng kanyang gabinete bilang bahagi ng hakbang upang muling isaayos ang administrasyon kasunod ng resulta ng 2025 National and Local Elections.
“This is not business as usual. The people have spoken, and they expect results—not politics, not excuses. We hear them, and we will act,” pagbibigay-diin ng Pangulo.
Ani Pangulong Marcos Jr., magbibigay-daan ito upang masuri ang pagganap ng mga departamento at matukoy kung sino ang dapat na magpatuloy sa paglilingkod alinsunod sa ‘recalibrated priorities’ ng pamahalaan.
“This is not about personalities—it’s about performance, alignment, and urgency,” the President added. “Those who have delivered and continue to deliver will be recognized. But we cannot afford to be complacent. The time for comfort zones is over,” saad ng lider.
Tiniyak naman ng Pangulo na hindi maaapektuhan ng gagawing ‘transition’ ang mga serbisyo ng gobyerno kung saan tuluy-tuloy aniya ang matatag at mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga tao. – AL