IBCTV13
www.ibctv13.com

DA ilulunsad ang ‘P20 Benteng Bigas Masterlist Registry System’ para pabilisin ang access sa murang bigas

Hecyl Brojan
267
Views

[post_view_count]

Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. on Friday led the launch of “Benteng Bigas, Meron Na!”, the flagship food security program of President Ferdinand R. Marcos Jr. that delivers rice at only P20 per kilo. (Photo from DA)

Bilang paghahanda sa mas pinalawak na Bente Bigas Bigas Meron Na program sa darating na 2026, inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng P20 Benteng Bigas Masterlist Registry System, isang digital platform na layong pabilisin ang operasyon, paikliin ang pila, at mas mapadali ang access ng publiko sa murang bigas sa mga Kadiwa site at partner store sa bansa.

Naging matagumpay din isinagawang pilot testing nito noong nakaraang buwan ng Oktubre.

Kasabay nito, nasa 81 probinsya na ang nagbebenepisyo sa programa ng murang bigas at target na ring maabot ang lalawigan ng Tawi-Tawi sa mga susunod na linggo, ayon sa DA.

Bagaman nananatiling nakatuon ang programa sa mga vulnerable sector tulad ng magsasaka at mangingisda, iginiit ni DA Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na layunin din nilang maipagbili sa publiko ang murang bigas sa buong bansa sa susunod na taon.

“We are now in 81 out of 82 provinces and by end of this week, 82 province, lahat na ng probinsya sa Pilipinas, present na ang P20. Supply is not an issue, ilang beses ko na sinabi na marami pa tayong bigas, tuloy-tuloy pa rin ang bili ng NFA.” saad ni Laurel.

Sa kasalukuyan, apat na Kadiwa stores sa Metro Manila at ilang NFA warehouses lamang ang gumagamit ng registry system, ngunit target ng DA na ilunsad ito sa buong bansa pagsapit ng Marso 2026.

“Handa na kaming i-deploy ang registry system sa malawakang pagdiriwang ng rice awareness month. Dito, ay magsasagawa tayo ng mass registration drive kasama ang mga delivery rider, kundoktor ng mga bus, security guard at kung kabilang sila sa vulnerable sectors,” dagdag niya.

Bukod dito, nakatakdang magbukas ng 4 hanggang 5 Kadiwa sites sa bawat bayan sa bansa sa susunod na taon, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bilang bahagi ng pagpapalawak ng programa. (Ulat mula kay Juan Antonio, IBC News) – DP