IBCTV13
www.ibctv13.com

DA, nakatakdang bawasan ang presyo ng Rice-for-All, MSRP sa imported na bigas

Hecyl Brojan
60
Views

[post_view_count]


(DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. led the launch of Sulit Rice program in Murphy Public Market sa Cubao, Quezon City, January 10.

Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) ang P2 hanggang P3 kada kilo na bawas sa presyo ng mga bigas sa ilalim ng Rice-for-All (RFA) program simula Miyerkules, Pebrero 12, bunsod ng bumababang global rice prices at ang pagtaas naman ng suplay sa bansa kasabay ng anihan.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ibababa ang RFA5 sa P43 kada kilo, RFA25 sa P35, at RFA100 sa P33.

Mananatili naman sa P29 kada kilo ang presyo ng bigas para sa mga senior citizen, PWD, solo parents, at indigent sectors sa ilalim ng KADIWA ng Pangulo program.

Upang mapanatili ang kita ng lokal na magsasaka, tiniyak ng kalihim na patuloy na bibilhin ng National Food Authority (NFA) ang palay sa P21–P23 kada kilo. Dagdag niya, may sapat na pondo ang NFA upang suportahan ang buffer stock, na ngayon ay katumbas ng 15 araw na suplay ng bigas sa bansa.

Kasabay na ibababa ng DA ang maximum suggested retail price (MSRP) ng mga imported na bigas simula Pebrero 15 patungong P52 kada kilo, mula sa kasalukuyang P55 at inaasahan pang bababa sa P49 pagsapit ng Marso 1.

Samantala, pinag-aaralan ngayon ng DA ang posibleng pagtatakda ng MSRP o limitasyon sa presyo ng produktong baboy upang matugunan ang mataas na presyo sa pamilihan.

Ayon kay Tiu Laurel, ang retail price na P400 kada kilo o higit pa ay hindi katanggap-tanggap. Inaasahang ilalabas ang desisyon ng ahensya sa katapusan ng Pebrero.

“We are conducting a thorough analysis of the pork value chain,” the secretary said. “If evidence of profiteering emerges, we will not hesitate to institute an MSRP for pork.” aniya.

Sa kasalukuyan, nasa P240–P250 kada kilo ang farm-gate price ng baboy.

– VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

66
Views

National

Divine Paguntalan

87
Views