IBCTV13
www.ibctv13.com

Dagdag na family food packs para sa Batanes, tiniyak ng DSWD

Ivy Padilla
281
Views

[post_view_count]

DSWD distributed family food packs to typhoon hit-victims in Cagayan. (Photo by DSWD)

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroong karagdagang family food packs (FFPs) na ipapadala para sa mga biktima ng Typhoon Leon sa probinsya ng Batanes.

Iniulat ni DSWD Undersecretary Diana Rose Cajipe na may 2,000 FFPs ang naka-preposisyon na kung saan madaragdagan pa ito ng 5,500 packs sa oras na gumanda ang panahon.

“Right now, mayroon na po tayong nakasakay na 5,500 family food packs sa PCG vessel but hindi po kasi siya maka-diretso ngayon ng Batanes. Currently nasa Pangasinan na ‘yan,” saad ni Cajipe.

Siniguro rin ng opisyal ang mahigpit nilang koordinasyon sa Office of the Civil Defense (OCD) para mahatid ang mga pagkain sa oras na ibaba ang gale warning sa probinsya.

“The moment na ibaba ang gale warning at makalipad po tayo definitely mag-start na po tayong magdagdag ng family food pack sa Batanes,” ani Cajipe.

Bukod sa FFPs, maghahatid din ng potable water ang ahensya sa mga apektadong residente. -VC

Related Articles