IBCTV13
www.ibctv13.com

Dagdag P50 sa arawang sahod ng minimum wage earners sa Metro Manila, epektibo na simula Hulyo 18

Divine Paguntalan
143
Views

[post_view_count]

IBC file photo

Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang halagang P50 umento sa sahod ng mahigit 1.2 milyong minimum wage earners sa National Capital Region ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa bisa ng Wage Order No. 26, maglalaro sa P695 ang daily minimum wage para sa mga empleyado sa non-agriculture sector, habang P658 naman para sa mga nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura, retail, service, at small manufacturing establishments.

Ito ang pinakamataas na wage hike sa kasaysayan ng rehiyon, epektibo simula Hulyo 18, 2025.

Ayon sa National Wages and Productivity Commission, katumbas ito ng karagdagang P1,100 hanggang P1,300 kada buwan, depende sa bilang ng araw ng pasok.

Paliwanag ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, isinasaalang-alang ng wage board ang balanse sa pagitan ng kapakanan ng mga manggagawa at kakayahang magpatakbo ng mga negosyo. Bahagi rin ito ng layunin ng gobyerno na mapaunlad ang trabaho, kita, at productivity kahit hindi magtulak ng dagdag na inflation.

Upang matiyak ang maayos na implementasyon, maglulunsad ang DOLE ng malawakang information campaign at mas mahigpit na monitoring sa mga kumpanya.

Maaaring mag-apply ng exemption ang mga maliliit na negosyo at establishments na apektado ng kalamidad, habang hindi saklaw ng bagong wage order ang mga Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs).

Ang NCR ang kauna-unahang rehiyon na naglabas ng wage order ngayong 2025. Nakatakda namang dumalo ang iba pang rehiyon sa mga public consultation mula Hulyo hanggang Agosto. – VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

77
Views

National

Divine Paguntalan

268
Views

National

Hecyl Brojan

306
Views