IBCTV13
www.ibctv13.com

Dagdag-sahod ng mga guro, epektibo na ngayong Setyembre

Divine Paguntalan
1029
Views

[post_view_count]

A public school teacher is having a class discussion with her elementary students. (Photo by DepEd)

Mararamdaman na ng mga guro mula sa pampublikong paaralan ang dagdag-sahod ngayong Setyembre, kasunod ng inilabas na Executive Order 64 ng Malacañang nitong Agosto 2024.

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na nagbaba na rin sila ng memorandum para sa inaabangang salary adjustment.

Ayon sa ahensya, may pahintulot ang Department of Budget and Management (DBM) na gamitin ang kanilang savings upang ipatupad ang dagdag-sahod sa mga guro.

May tatlong rehiyon na sa bansa ang nagpapatupad ng salary differential, limang rehiyon naman ang ‘partially released’ habang nakaproseso na ang iba pang rehiyon.

Bukod sa salary differential, makatatanggap pa ang mga guro ng ‘retroactive increase’ para sa buwan ng Enero hanggang Agosto. – VC

Related Articles