Asahan ang P500 dagdag na sahod para sa mga kasambahay sa Metro Manila matapos aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng National Capital Region ang Wage Order No. NCR-DW-05.
Mula sa kasalukuyang minimum wage rate na P6,500 ay tataas sa P7,000 ang buwanang sahod ng mga domestic worker simula Enero 4, 2025.
“All domestic workers in the NCR are covered by the wage order, regardless of their type of employment, whether live-in or live-out,” pahayag ng ahensya.
Binigyang-diin ng RTWPB na ang umento sa sahod ay resulta ng kanilang konsultasyon sa iba’t ibang sektor upang matiyak ang sapat na kita para sa mga kasambahay sa rehiyon.
Mahigpit na pinapaalalahanan ang mga employer na sumunod sa bagong wage order upang hindi pagmultahin at mapatawan ng parusa.