IBCTV13
www.ibctv13.com

Dalawang bagong kaso ng mpox sa bansa, kinumpirma ng DOH

Patricia Lopez
535
Views

[post_view_count]

Visual example of monkeypox (mpox) rash. (Photo by WHO)

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang dalawang bagong kaso ng monkeypox (mpox) sa Pilipinas ngayong Lunes, Agosto 26, kung saan parehong lalaki ang naging biktima nito.

Tinukoy ng kagawaran ang variant na tumama sa dalawang indibidwal bilang ‘Mpox Clade II’ na mild case lamang ng naturang sakit.

Ayon sa DOH, kapwa mayroong close at intimate contact sa iba pang indibidwal ang mga bagong kaso tatlong linggo na ang nakararaan ngunit inaalam pa kung mayroon bang ugnayan ang dalawang indibidwal.

Samantala, naka-admit na ang isa sa kanila sa pampublikong ospital habang ang isa naman ay naka-isolate sa kanyang bahay.

Sa kabuuan nasa labindalawa na ang kaso ng mpox sa bansa simula 2022 kung saan ang tatlo rito ang active cases na naitala ngayong taon.

Patuloy naman ang pagpapagaling ng 10th mpox patient na napaulat na nagpositibo sa sakit noong Agosto 19 habang ang 41 indibidwal naman na nakasalamuha nito ay nasa maayos nang kalagayan, ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division.

“So far naman good yung kanilang quarantine wala pang nag pa-positive or symptoms as of kahapon…Wala na dumadag dun sa 41 na close contact na naidentify,” saad ni Quezon City CESU Head Dr. Rolando Cruz.

Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na iwasan muna ang skin-to-skin contact upang maiwasan ang pagkalat ng mpox. -DV/AL

Related Articles