IBCTV13
www.ibctv13.com

Dalawang LPA, posibleng maging bagyo sa susunod na linggo – PAGASA

Ivy Padilla
1755
Views

[post_view_count]

Two tropical cyclones are threatening to enter PAR for the next two weeks. (Screengrab from PAGASA)

Isang low pressure area (LPA) ang posibleng mabuo sa silangan ng Luzon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa pagitan ng weekend hanggang Lunes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa 4:00 a.m. weather bulletin ng PAGASA, kikilos ito patungong hilaga hilagang-silangan na unti-unting lalayo sa kalupaan ngunit inaasahang hahatakin ang Habagat na siyang magdadala ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.

Samantala, isa pang sama ng panahon ang posibleng mabuo sa timog-silangan ng Guam na kikilos patungong kanluran bago pumasok ng PAR.

Pagsapit ng Miyerkules, inaasahang kikilos ang ikalawang LPA patungong hilagang-kanluran at posibleng maging bagyo sa loob ng bansa.

Sakaling maging ganap na bagyo ang dalawang LPA, tatawagin ito biglang bagyong Ferdie at Gener.

Nilinaw ng PAGASA na posible pang magbago ang track ng mga binabantayang weather disturbances kung kaya’t hinikayat ang publiko na maging handa at alamin ang lagay ng panahon. -VC

Related Articles