IBCTV13
www.ibctv13.com

Davao Region, niyanig ng magnitude 4.0, 4.3 na lindol

Michael Peronce
407
Views

[post_view_count]

Twin earthquakes jolted the Davao Region on Tuesday early morning, September 24. . (Photo by PHIVOLCS)

Dalawang magkasunod na lindol ang yumanig sa rehiyon ng Davao ngayong Martes ng madaling araw, Setyembre 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naganap ang unang lindol bandang 3:39 ng umaga sa bahagi ng Baganga, Davao Oriental kung saan naitala ang magnitude 4.3 na pagyanig na may lalim na 10 kilometro.



Sinundan naman ito ng pangalawang lindol na yumanig sa bahagi ng Jose Abad Santos, Davao Occidental na may lakas na magnitude 4.0 at may lalim na 135 kilometro mula sa epicenter nito.



Bagaman kapwa nagdulot ng katamtamang lakas ng pagyanig sa Davao Region, tiniyak naman ng seismology bureau na walang inaasahang anumang pinsala at aftershocks ang dalawang magkasunod na lindol.

Related Articles

National

Ivy Padilla

67
Views

National

Ivy Padilla

56
Views