IBCTV13
www.ibctv13.com

DBM Chief, pinasalamatan si PBBM sa paglagda ng PH Islamic Burial Law

Ivy Padilla
74
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. and DBM Sec. Amenah Pangandaman (Photo by PCO)

Nagpaabot ng pasasalamat si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagsasabatas ng Republic Act No. 12160 o ang Philippine Islamic Burial Act.

Bilang isang Muslim at anak ng Mindanao, binigyang-diin ni Pangandaman na malaking bagay ito sa mga Pilipinong Muslim para maprotektahan ang kanilang tradisyon at paniniwala.

“First and foremost, we thank our beloved President Bongbong Marcos for signing the Islamic burial law which institutionalizes the protocols for proper and timely burial of our departed loved ones,” saad ni Pangandaman.

“Salamat po kay Pangulong Bongbong Marcos dahil patunay po ito na minamahal, pinakikinggan, at binibigyang prayoridad at importansya po n’ya ang Muslim community sa bansa,” dagdag pa niya.

Ang bagong batas ay nagtatakda ng agarang paglilibing sa mga yumaong Muslim sa loob ng 24 oras, alinsunod sa paniniwala ng relihiyong Islam.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang PH Islamic Burial Law nitong Marso 11. – AL

Related Articles

National

Divine Paguntalan

68
Views

National

Hecyl Brojan

70
Views

National

Ivy Padilla

63
Views