Tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na hindi mababawasan ang mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Sa isang post, pinasinungalingan ni Budget Secretary Pangandaman ang pahayag ng Medical Action Group na tinanggalan umano ng ahensya ng PhilHealth coverage ang nasa 30 milyong benepisyaryo.
Kabilang dito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) members, senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at iba pang dependents.
“Under the Universal Health Care Act, all Filipinos are entitled to health insurance, whether as direct or indirect contributors to PhilHealth. The government subsidizes premiums for those who can’t afford them, ensuring even the most vulnerable are covered,” paglilinaw ng kalihim.
Binigyang-diin ni Pangandaman na nananatiling tapat ang ahensya sa pagpapatupad ng ‘national budget’, gayundin sa pagtataguyod ng ‘transparency’ at ‘open communication’ sa taumbayan.
“Claims that millions will lose their coverage are simply false, as PhilHealth is committed to fulfilling its obligations, backed by substantial funds,” paglilinaw niya.
Kasabay nito, nagpaalala ang kalihim sa nasabing medical group na maging ‘thoughful’ at ‘responsible’ sa mga pinapalakat online.
“Every post has the power to shape public opinion, impact lives, and influence the future of our nation. Hence, I urge every Filipino to use that power wisely—to lift each other up, not to spread fear or falsehoods,” pagbibigay-diin ni Pangandaman.
Sa ngayon ay patuloy ang konsultasyon ng DBM sa kanilang legal team para sa posibleng reklamo na isasampa laban sa grupo. –VC