IBCTV13
www.ibctv13.com

DBM Secretary, nagpasalamat sa pag-apruba ng bicam sa panukalang 2025 nat’l budget

Ivy Padilla
178
Views

[post_view_count]

Budget Secretary Amenah Pangandaman (Photo by DBM)

Taos-pusong nagpasalamat si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa Senado at House of Representatives para sa napapanahong pagpasa sa panukalang P6.352-trilyong pambansang pondo para sa taong 2025.

“We extend our sincerest gratitude to the leadership of both the Senate and the House of Representatives for their unwavering commitment and diligence in passing House Bill 10800,” saad ni Pangandaman sa isang pahayag.

“Heartfelt thanks to Senate President Chiz Escudero; House Speaker Martin Romualdez; Senate Committee on Finance chairperson, Senator Grace Poe; House Appropriations Committee chairperson Rep. Zaldy Co; and the rest of our esteemed lawmakers for their steadfast support in navigating the complexities of budget formulation and deliberation during the past several months,” dagdag niya.

Miyerkules, Disyembre 11, nang aprubahan ng Bicameral Conference Committee ang pinal na bersyon ng House Bill No. 10800 o ang 2025 General Appropriations Bill (GAB).

Agad itong niratipikahan ng Kamara ngayong araw at nakatakda nang ipadala sa Malacañang para opisyal na malagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang batas.

Binigyang-diin ni Sec. Pangandaman na mahalaga ang napapanahong pagpasa sa 2025 budget para maipagpatuloy ang operasyon ng pamahalaan at matiyak na maihahatid ang mga serbisyo sa publiko.

“We are optimistic that the implementation of the 2025 national budget, which is expected to be signed by the President in the coming weeks, will lead to sustainable growth for our country and for all Filipinos,” ani Pangandaman.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez, inaasahang pipirmahan ni Pangulong Marcos Jr. ang proposed 2025 budget sa darating na Disyembre 20. – VC

Related Articles