IBCTV13
www.ibctv13.com

Debris ng Long March 7A rocket ng China, posibleng bumagsak sa ilang bahagi ng Pilipinas – PhilSA

Alyssa Luciano
375
Views

[post_view_count]

Philippine Space Agency (PhilSA) releases an advisory regarding the possible effects of the Long March 7A rocket launched by China. (Photo by PSA, CASC)

Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa publiko tungkol sa posibleng pagbagsak ng debris ng Long March 7A rocket ng China na pinalipad mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Wenchang, Hainan bandang 8:25 p.m. nitong Huwebes, Agosto 22.

Batay sa datos ng PhilSA, posibleng bumagsak ang debris malapit sa bahagi ng Sta. Ana, Cagayan at Burgos, Ilocos Norte. Nagtaas na ang ahensya ng Notice of Airmen (NOTAM) warning sa mga maaapektuhang lugar dahil sa “aerospace flight activity”.

“Unburned debris from rockets, such as the booster and faring, are designed to be discarded as the rocket enters outer space. While not projected to fall on land features or inhabited areas, falling debris poses danger and potential risk to ships, aircraft, fishing boats, and other vessels that will pass through the drop zone,” saad ng ahensya.

Maaari ring mapunta sa mga coastal area ang debris pati na ang posibilidad ng ‘uncontrolled re-entry’ ng upper stage nito sa atmosphere ng mundo.

Bagama’t hindi inaasahang magkakaroon ng epekto sa mga kalupaan at mga komunidad, nagpaalala pa rin ang PhilSA sa mga residente ng mga nabanggit na lugar na huwag nang pulutin o lapitan ang mga hinihinalang debris dahil sa posibleng natitirang ‘toxic substances’ tulad ng rocket fuel.

Nauna nang naglabas ng memorandum ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) nitong Agosto 20 kung saan nag-abiso ito sa Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Environment and Natural Resources-National Mapping and Resource Information Authority (DENR-NAMRIA) para sa paglalabas ng Notice to Mariners, Coastal Navigational Warnings o NAVAREA XI warning sa mga lugar na posibleng bagsakan ng debris.

Samantala, inaatasan din ang mga concerned RDRRMC na patuloy na magsagawa ng monitoring at magsumite ng mga update. -VC

Related Articles