IBCTV13
www.ibctv13.com

Debris ng panibagong rocket launching ng China, tinatayang bumagsak sa WPS – PhilSA

Ivy Padilla
201
Views

[post_view_count]

Philippine Space Agency (PhilSA) released an estimated drop zone of the rocket debris of China’s Long March 3B/E rocket on September 19, 2024. (Photo by PhilSA)

Kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) na nagpalipad ng Long March 3B/E rocket ang People’s Republic of China bandang 9:15 ng umaga ngayong Huwebes, Setyembre 19 (PST).

Ayon sa PhilSA, pinalipad ang naturang rocket sa Xichang Satellite Launch Center sa Liangshan Yi Autonomous Prefecture, Sichuan.

Tinatayang bumagsak ang debris nito sa layong 55 NM mula sa Patag Island at sa layong 68 NM ng Rozul Reef sa West Philippine Sea (WPS).

Patuloy na pinapaalalahanan ng PhilSA ang publiko na maging maingat sa pagkuha o paglapit sa debris dahil maaaring nagtataglay ito ng ‘toxic substances’ tulad ng rocket fuel.

“While not projected to fall on land features or inhabited areas, falling debris poses danger and potential risk to ships, aircraft, fishing boats, and other vessels that will pass through the drop zone,” saad ng ahensya.

Malaki rin ang posibilidad na magpalutang-lutang sa karagatan ang debris ng naturang rocket at anurin sa dalampasigan. -VC

Related Articles