IBCTV13
www.ibctv13.com

DepEd, nagpasalamat sa Kamara para sa pag-apruba ng P793.1-B pondo sa 2025

Ivy Padilla
233
Views

[post_view_count]

DepEd Secretary Sonny Angara attended the agency’s budget deliberation at the House of Representatives on Tuesday, September 24. (Photo by Sonny Angara)

Nagpaabot ng pasasalamat si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara sa House of Representatives para sa pag-apruba ng P793.1-bilyong panukalang pondo ng ahensya para sa Fiscal year (F.Y.) 2025 nitong Martes, Setyembre 24.

Sa isang pahayag, kinilala ni Sec. Angara ang suporta nina House Speaker Martin Romualdez, Budget Sponsor Representative Maria Carmen Zamora, at iba pang miyembro ng Kamara.

“This budget reflects our shared commitment to unlocking the full potential of every Filipino learner,” mensahe ng kalihim,” pagbibigay-diin ni Angara.

Kabilang sa mga inisyatibong nakatakdang paggamitan ng pondo ang pagtatayo ng mga bagong silid-aralan, rehabilitasyon ng mga pasilidad at pagbili ng mga learning tools and equipment.

Kasama rin sa paglalaanan ng pondo ang pagsulong ng DepEd Computerization Program, School-Based Feeding Program, at recruitment and training para sa mga guro.

Binigyang-diin ni Budget Sponsor Rep. Zamora ang kahalagahan ng pag-apruba ng badyet ng DepEd para mapaganda at mapahusay ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

“This funding will empower DepEd to continue its mission of providing quality education, ensuring that our learners are prepared for the future’s challenges and opportunities,” saad ni Zamora. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

66
Views

National

Ivy Padilla

56
Views