IBCTV13
www.ibctv13.com

DepEd, palalakasin ang suporta sa mga mag-aaral na may kapansanan

Hecyl Brojan
60
Views

[post_view_count]

Hannah Concepcion, a Special Education (SPED) teacher and coordinator at Olongapo National High School (ONHS) for 17 years, devoted her life to serving and loving learners with special needs. (Photo from DepEd)

Nangako ang Department of Education (DepEd) na higit pang paiigtingin ang suporta nito para sa mga learners with disabilities (LWDs) sa pamamagitan ng mga makabagong inisyatiba na nakatuon sa teknolohiya at pinalawak na mga serbisyo.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin ng DepEd na mabigyan ang mga mag-aaral na may kapansanan ng pantay na access sa dekalidad na edukasyon at oportunidad. 

Kasama sa mga hakbang ng ahensya ang pagbuo ng isang artificial intelligence (AI)-powered tool para sa maagang pagtukoy ng mga kapansanan.

“The Department is fully committed to harnessing technology not only for instruction but also for decision-making, resource planning, and inclusive service delivery,” ani Angara.

Bukod dito, patuloy ring pinapalakas ng DepEd ang Alternative Delivery Modes (ADM) at Alternative Learning System (ALS) upang mapabuti ang kakayahan ng mga guro, mapalakas ang pagmo-monitor sa implementasyon ng mga polisiya, at maisama ang assistive technology at AI sa mga silid-aralan.

Isa sa pangunahing inobasyon ay ang pagbuo ng Project SABAY (Screening using AI-Based Assistance for Young children) sa pamamagitan ng DepEd-Education Center for AI Research (ECAIR).

Ayon kay Angara, layunin ng Project SABAY na gawing moderno ang proseso ng maagang pagtukoy sa mga batang maaaring nasa panganib ng pagkakaroon ng kapansanan, alinsunod sa Child Find System na nakasaad sa Republic Act 11650.

“Through the SABAY Project, we affirm our mission that every Filipino child—regardless of ability—deserves timely support and access to quality education,” dagdag pa niya.

Ang Project SABAY ay binubuo sa tulong ng mga eksperto sa edukasyon, mga propesyunal sa kalusugan, at mga tagapagtaguyod ng special education. –VC

Related Articles