IBCTV13
www.ibctv13.com

Deployment ng NCRPO para sa Traslación 2025, handa na

Jerson Robles
138
Views

[post_view_count]

The annual “Traslacion” of the Black Nazarene in Manila. (Photo from Quiapo Church)

Matapos ang mapayapang pagsalubong ng Bagong Taon, nakatuon na ngayon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa paghahanda para sa selebrasyon ng Pista ng Poong Itim na Nazareno sa Enero 9.

Naglatag na ng mga tauhan upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto, dahil inaasahang dadagsa ang milyong tao para sa mahalagang kaganapan.

Iniulat ng NCRPO na may kabuuang 12,168 na pulis ang naka-deploy sa iba’t ibang lugar sa Maynila at madaragdagan pa ng 2,306 tauhan mula sa iba pang ahensya ng gobyerno, o katumbas ng 14,474 buong pwersa ng kapulisan.

Pinatutunayan ng maagang deployment plan ang pangako ng NCRPO na mapanatili ang ligtas at maayos na seguridad sa mga malalaking aktibidad sa Kalakhang Maynila.

Pagtitiyak ni NCRPO Director Brig. Gen. Anthony Aberin, ang kanilang estratehiya ay nakatuon sa pagpapalakas ng police visibility at pagtutok sa mga lugar kung saan maraming tao.

Inaasahan ng NCRPO na magiging maayos ang selebrasyon, katulad ng naging sitwasyon noong nakaraang taon kung saan umabot sa mahigit 6.5 milyong deboto ang sumama sa Traslación. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

85
Views

National

Ivy Padilla

133
Views