IBCTV13
www.ibctv13.com

DFA Secretary Manalo, hahalili kay Pangulong Marcos Jr. sa UNGA – PCO

Divine Paguntalan
363
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. (Photo by PCO)

Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez na hindi makakadalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 79th United Nations General Assembly (UNGA) sa New York ngayong Setyembre.

Ayon kay Secretary Chavez, si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ang magiging kahalili ng Pangulo sa assembly para ibahagi ang mga hakbangin ng Pilipinas upang matugunan ang mga pandaigdigang isyu na kinakaharap ng bansa.

“The President will not be attending the UN General Assembly. Instead, he will be ably represented by Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo who will articulate the country’s responses to global challenges which we assert should be resolved within the framework of peace and cooperation enshrined in the UN Charter,” saad ng kalihim.

Matatandaan noong 78th session ng UNGA ay si Secretary Manalo rin ang dumalo bilang kahalili ng Pangulo.

Ang UNGA ay nagsisilbing platform para sa diplomatikong pag-uusap at pagkakasundo ng mga bansa para magkaroon ng mas malakas na international cooperation sa bawat isa.

Nasa higit 100 world leaders at libu-libong diplomats at advocates ang nakatakdang magbigay ng kanilang mensahe kaugnay sa iba’t ibang pandaigdigang hamon na pagpupulungan sa UNGA session. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

60
Views

National

Ivy Padilla

76
Views